📌 PHCrackers Mobile Legend Tournament

Regroup your squad and win the 10,000 PHC Points + PAID VIP VPN Accounts. Elimination round this coming October 4,2019. Register by clicking the button below and don't forget to upload your team Logo or banner.
Register
PHC POINTS CONVERSION IS ON EVERY END OF EACH MONTH !! HAPPY EARNING

Media SOCIAL MEDIA – A DISEASE FOR SOCIAL HEALTH?

Pro0o

Hatchling
PHC Points
0
Followers
1
#1
SOCIAL MEDIA – A DISEASE FOR SOCIAL HEALTH? (A SURVEY WITH 40 RESPONDENTS)
Ni Grandark
facebook, Twitter, Instagram. At para sa mga mas 'nakatatanda', Friendster, Yahoo, at Uzzap.
Ang sinasabing main goal ng Social Media is for communication sa lahat ng dako ng mundo, whether for personal, public or conference use na kung saan ay very popular lalo na sa tinatawag nating 'Millenials'.
Well, para magawa ang article na ito ay nag-survey ako ng tag-20 na 'Millenials' at 'Oldies', at tinipon ang datos ng kanilang sagot. Friends and relatives ang respondens.
At ang question ko ay, 'Masama ba ang epekto ng Social Media sa Social Health?' o 'Nakasasama ba sa Social Health ng tao ang Social Media?'
Hindi na kataka-takang sa panig ng mga Millenials, 19 ang nagsabing hindi ito masama samantalang 1 lang ang nagsabing may masamang epekto ito.
Sa side naman ng Oldies, 20 ang nagsasabing 'sakit' nga ito sa Social Health.
Nang tinanong ko sila ng Back-Up Question na 'Sa Paanong Paraan Naman Nakasasama Ito?", ganito ang mga isinagot nila.
1.) "Noong panahon ko, kapag may okasiyon, puno ang mga Plaza at Bayan ng mga magkakaibigan para mag-gala at magsaya. Pero noong nagkaroon ng Social Media ay nabawasan ang bilang ng mga ito, well I mean, mas marami na ang nakatutok at nagbabatian na lang sa Social Media kaysa pumunta sa bahay ng mga kaibigan at magsabi ng Happy New Year o Merry Christmas man lang."
-> Palawigin natin ang statement niya, well sinasabi niyang nababawasan ang Social Interactions sa personal at bagkus ay nada-divert sa Social Media, which is unhealthy sa Social Health.
2.) "Noong wala pang Social Media, ang impormasiyon na nakukuha ng mga tao ay mula sa news which is more accurate and less prone to fake news."
-> Well halata namang pinapatungkulan niya ang Fake News.
3.) "Nagkakaroon ng sudden change of behavior ang mga bata. Kagaya ng anak ko, noong 1st year siya, napakahinhin pero noong nagkaroon ng cellphone, andami nang alam na kalokohan at mga salitang hindi angkop sa kaniyang edad."
-> Let us emphasize. Mayroon din namang tama at mali sa statement niya. First of all is how we find friends. Siyempre, kung alam mong 'Bad Influence' 'yan, it is your choice whether to go with him or not. Tama naman dahil sa ang Social Media ay mahirap mabantayan - well ang cellphones ay personal and the parents can't monitor our activity 24/7, at ang pinakamatindi ay lalong hindi nila tayo mababantayan kung walang Social Media Accounts ang mga parent natin. Ang mga batang walang gabay sa kanilang pakikitungo sa kapwa ay prone sa pagiging masamang bata at masamang pakikitungo sa iba.
4.) "Sa dinami-rami ng gawain na puwedeng gawin sa labas, laging silang nag /social media/ at nakaupo lang sa sofa."
-> Dalawa na ang naapektuhan, ang physical health at ang social health. Well, sa Social Media, walang Mental Health Illness dahil sa kaya tayo nagpaparticpate rito ay nagiging masaya tayo rito. (Except for the internet trolls and cyber bullies.) Ang katawan natin ay kailangang gumalaw, at tayo ay kailangan rin namang kumonekta sa iba sa pisikal na paraan, in short.
5.) "Ang mali lang naman sa Social Media ay maraming dummy accounts na nagagawa at nakakasama sa socialization ng mga taong gumagamit nito."
-> Ever heard about Keyboard Warriors? Trolls? Well 'yan ang ugat. Ang mga Dummy Accounts. Malalakas ang loob nila na makipag-away sa Social Media dahil sa alam nilang hindi naman sila makikilala. And sa mga nakakaaway nila, nakakabuo ng fury na kung saan naaakit ang iba na gumawa ng Dummy Account rin at maging Keyboard Warriors. Nakasasama ito sa tao dahil magbabago ang pananaw nila sa tama at mali, at malaki ang tsansang magbago ang pakikitungo nila sa kapwa.
6.) "Lumalaki ang mga bata sa kung ano ang nauuso sa Social Media, nababago ang kultura, pananamit, pananaw at aspeto ng kanilang pagiging tao."
-> Sa nagcomment nito, pinahihirapan ako hahaha. Ang sinasabi niya is, sa isang iglap ay kayang baguhin ng Social Media ang mga aspetong (mga nasa itaas) ng tao, at hindi lang iisang tao ang kayang magawaan nito. Sa kultura natin ngayon, ang mga tao ay nahati na sa dalawa. Hindi nga mali na magkaroon ng pagbabago dahil ang henerasyon ng huli ay naglalaho na ngunit hindi magandang ipagsawalang bahala ang pakikipag-kapwa at pakikisalamuha sa iba nang personal dahil nawawala na ang totoong tulay na nagkokonekta sa lahat.
Mga solusiyon o masasabing 'gamot' sa 'sakit' na ito?
1.) Think about your family.
-> Unang hakbang na makapagpapawala ng adiksiyon sa Social Media ay ang pagkonekta sa iyong pamilya. Dahil kapag na-enjoy at natagpuan mo na ang real pleasure sa socialization sa loob ng bahay ay magihigitan mo na ang paghahanap ng pleasure sa Social Media.
2.) Make your circle of friends go larger.
-> Ang Social Media ay ginagamit upang makapaghanap ng mga taong nais mong makasalamuha, mga bagong tao na puwede mong maging kaibigan. Masosolusyunan ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng iyong Cirle of Friends, maaaring sa school, church, organization, work atbp na maglalayo sa Thirst mo na magkaroon pa ng kaibigan.
3.) Think Social Media as a past time and not a part your life.
-> Well, sa panahon ngayon, marami ang nagsasabing 'hindi mabubuhay' kung walang gadgets na makakakonekta sa Social Media. Isa itong maling pagkakamali. Napakalaking pagkakamali. Ang Social Media ay hindi mo buhay - at hindi ito ang dahilan ng buhay mo. Isipin mo lang ito as your past time - parang games or wattpad na pinaglilibangan mo lang, or isang way para may sabihin sa isa sa mga nasa Circle of Friends mo. Unless ang kabuhayan niyo o ang negosyo ay inclined sa social media, of course.
4.) Social Media is not a tool for earning money.
-> Well, alam naman nating halos 2% ng Social Media business lang ang legitimate, at ang natitira ay scam na. Isipin mo na lang na ganito - Mag-FB magdamag at hindi kumain, hindi kumita ng pera at mamatay sa gutom or Mag-FB ng 15 minutes para mangumusta sa friends, magtrabaho, makapag-ipon, makapag-invest at gumanda ang buhay. Sabi nga ni Caution na 'Being famous in facebook is like being Rich in Monopoly. It is surreal.'
Ang Social Media Addiction naman para sa akin ay hindi Disease kundi isang Injury. Ibayong pag-iingat lang at naiiwasan din ito. Nasa sa inyo na lang naman kung ano ang dapat gawin.
At kung magkakaroon kayo nito.
Please register to see the link Log in or register now.

CTTO
 
Top